Menu
Register
Write a review File a complaint
CB Sales and Marketing Review of Sanford Marketing Corporation Savemore
Sanford Marketing Corporation Savemore

Sanford Marketing Corporation Savemore review: Management

K
Author of the review
11:11 pm EDT
Verified customer This complaint was posted by a verified customer. Learn more
Featured review
This review was chosen algorithmically as the most valued customer feedback.

Nag trabaho ako as a cashier sa Savemore dito sa Benguet at isa ako sa cashier na nagtatanong kung "Pwede po ba kulang ng 50centavo? ng 25centavo? ng 75 centavo?". May mga customer na okay lang mayroon ding ibang hindi, naiintindihan naman po namin yon. Minsan nanghihingi din kami ng pambarya sa piso sa customer pero wala din sila😭. Bakit namin ginagawa un? Ito ung mga dahilan na hindi nila maayos-ayos at laging kaming mga cashier ang naiipit😭 "Wala na daw baryang cenravo's" mayroon man pero limited lang...Kaming mga cashier din ang kawawa dahil kung may 75centavos o 50centavos na barya si customer at wala kaming pambarya binibigay namin piso kung laging ganon kami ang magkakaroon ng malaking loss at ikakakaltas sa aming sahod... Pero pag mayroon namang sobra wala😭 Sa kanila lang...

Pag naman nasobrahan ang baryang nireremit namin kami lagi napapagalitan at pinapagawan ng letter nag eexplain kung bakit daw madami kaming barya? Tapos pagkailangan naman namin ng pambarya wala silang maibigay at kami nanaman ang kawawang nakakarinig sa mga reklamo ng mga costumer, kami ang pinapagalitan nila. Nagalit na nga yong customer sa amin magagalit din sila sa amin bakit daw kasi hindi kami marunong mag tipid ng pambarya😭

Ang masaklap, nakakaltas naman lagi sa sahod namin yong loss namin pero yong backpay namin wala kaming makukuha kasi nga daw nag negative dahil sa loss namin kaya wala kami makukuha. Like, huh? Bakit hindi po nila kami tawagan para sabihin yon para hindi kami umasa. Sa ibang tao pa namin malalaman, sa mga co workers lang namin😔 Kala namin fake news pero 6months na nakalipas wala pa kaming natatanggap na tawag.. Hindi naman yong pera ang habol namin kundi explanation lang po sana nila kung bakit WALA KAMI MATATANGGAP! Gusto namin sa kanila mismo manggaling hindi sa ibang tao😔 Be professional ang lagi niyo sinasabi pero unprofessional kayo!

Desired outcome: I'd appreciate a response

0 comments
Add a comment