I am Cpt Alexander M Maraniag Paf, a humble public servant and was able to apply a unit at
Camella Homes Cerritos Heights, Terraces, Hills, Daang Hari. I was able to pay a total amount of One Hundred Thirty Thousand Pesos (PHP 130,000.00). During the seminar they were not telling me with clarity regarding the amount that I had paid. That it was on 01/07/2015 and 02/03/2016 was able to made payment. But however next succeeding year was not able due to that I have admitted in the hospital for the combat mission and was not able to complete my one year payment. I am writing this to address my request of refund regarding the above mentioned amount. They told me during the application and signing of agreement, only the reservation has no refund but they did not tell me that including the total amount paid is non refundable.
Again thank you for appropriate action I hope for the refund of my downpayment. P. S reply at Alex. [protected]@gmail.com or call at [protected]
probational receipt
dtd 02/03/2016
CN. [protected]
SO#[protected]
Hi po. OFW rin po kami ng asawa ko. Nag avail po kami ng house and lot sa camella sa tanza, cavite at nagbayad na po kami ng cash sa downpayment po ng 155k. Struggle na po kami dito sa abroad ngaun and we decided to quit na lang po sa house loan kasi hindi na po namin kayang bayaran. Hindi pa rin po kami napapa approve in any financial institution po kasi under approval pa lang po ang housing loan namin sa banko and ayaw na rin po namin i-pursue pa. Gusto na po namin kunin ang binayad namin pero non refundable daw po. Please help naman po any legal advice po. Thank you.
Kamusta po narefund nyo po ba?
nairefund nyu po ba yung sainyu?
@Thess0606; nakapagrefund la po ba?
Kapag wala pa daw po sa 24 months yung naibayad walang refund rules po nila yun.
Ayun po sa law which is Maceda Law kapag hindi kapa Naka 24 months na nagbabayad sa Camella Homes / Developer hindi ka makapag refund.
Napaka hirap pong mag refund sa Camella compare sa ibang developer. Ibebenta naman nila ulit yung na purchased mong unit ng mas mataas sa Total Contract price mo.
hello po gustoko po sana mabawi refund ko sa camella, kasi po ngkasakit ako ng sunod sunod nagkroon po ako ng 3 bakante ngaun po pinipilit po akong i settle ng 2 months yung 180k diko na po kasi kakayanin yun di pa nmn po nila na apply sa bank
same po tau ng situation . sabi skin wla na daw po ako marerefund last year pa po ako nagbackout.nakapagbgay ako ng 180k. meron po ba sa inyo ang nakapagrefund?
Hindi maka tao yung patakaran ng Camella Homes wala silang pakealam sa binayad ng client nila business is business kung babalakin mong mag refund skanila ayun na yung pinaka mahirap mong gagawin sa buhay mo ang hirap nilang kausap kahit kasalanan na nila kung bakit gusto na mag refund ng client.
Isa po akong ofw sa israel nag avail po ako ng unit na sara unit 2016 at nakapag bigay na ako ng 452 thousand pro ag unit ay hindi nagawa sa kadahilanang techinical problem daw nong umuwi ako nong may 2019 pinuntahan ko ang camella puerto princesa palawan bancao bancao area wala sila maipakita or masagot s akin technical problem nag tutulak tulakan sila kong sino ag kakausapin ko hanggang sa ako na mismo ag nag suggest na may change na lang ng unit . Since non d na ako uli nagbigay na payment till now ala p sila update na binibigay . Sa ngayon nagbabalak ako na withdraw na lang lahat ang pera ko sa camilla . Ask ko lang makukuha ko ba lahat yon .
Same tayo. Gnun na gnun dn. Hanggang ngayon wala pang bahay. Palipat lipat dn ako ng Subd ng Camella, pang 3 ko n to. Wala pa akong ginagawang action, kasi natatakot ako na wala din akong makuha. Nsa 400k+++ na din naibayad ko mula 2016.. Hindi ko na alam kung saan kukuha ng tulong. Kapag naman dinaan sa legal magagastusan tayo. Sana my makatulong saten. 😭
jcalubad720@gmail.com email me..kung anong update sa case mo
Hi maam ask ko lng po kung naka pa refund po ba kau sa camella?
Hellonpo same po tayo ng problem.. baka pwede tayo bumuo ng group or gc para magreklamo kay tulfo? para malaman ng buong mundo na ganyan sistema ng villar realty.
Dapat nga po kakainit ng ulo talaga sila
May binuo po ako na gc po camella homes sta maria bulacan complains po
Good day po. Same problem po.. Nov.2017 nag start po kami ng equity to Oct.2018. Ang sabi nila 3rd Quarter ng 2018 estimated time ng construction. February to march 2019 ang completion time nila at ma turn over na. Pag check namin wala pa din. Sabi sa office 2nd quarter ng 2019 may turn over na. June 2019 nag check kami sa site pero wala pa ni haligi naka tayo sa lupa. Ang sabi nanaman sa office mga 3rq Quart daw possible Nov. to Dec.2019 na... January 2020 nag check ulit kami sa site pero wala pa din bahay.. Naka 5 months na kami nag monthly amort. Nag decide kami na mag stop payment muna since wala pa nman kami nakikita na bahay. Ngayon nag padala sila ng demand letter na need bayaran ang na stop namin na bayad since july [protected] with penalties.. 353, 151.01 ang halaga. Or kung hindi mabayan forfieted na po ang contract at pati ang naibayad namin wala na din.. Kaya nag decide kami i cancel na lang at mag demand kami ng full refund.
Posible po ba makuha namin ang nahulog namin 298, 592.00?
Turn over letter ang inaasahan ko na email nila kaso hindi pala.
Thank you so much po sana masagot po ang katanungan ko.
Pasali po ako sa gc.. gabyan din po problema ko
Same Problem din po sakin.. Nakapag DP ako ng 179, 000 Pesos..
OFW din po ako, Since nagkaroon ng Pandemic hindi na din ako nakapag abroad.. So kinancel ko ang Unit ko sa Camella dahil wala na din naman ako mapagkukuhaan ng Pera, At the same time hindi padin naman nakatayo ang unit, Sabi nila after 6-8 months daw maitatayo na nakauwi nako sa pinas wala pdin.
Nakakadismaya lang!
Sana kahit HALF manlang ng DP maibalik nila.. Be fair and considerate enough po sana..
Same tau 3yers n ako hulog pero d p nla na natuturn over ung hause gang widraw ko xa 3months n d p nila binibgay pera ko
Naka pag pa refund na po ba kau sa camella?
May group na po ba kau regarding sa refund ako po ganito rin problema ko ngayon . Nakakastress po. Lalo pinaghirapan ang pera ayaw po nila mag refund . Bka pde mkhingi ng tulong kay tulfo
True.. Baka pwede tayo matulungan ni Sir Raffy..Lalo na at Pandemic.. 😥
Nkapagrefund n po b kayo ky camella?ganon din po un sken di q dw po mrerefund kasi sa maceda law n sa una pa lng di nmn naipaliwang maayos inabot pa ng pandemic
Sana nga po makapagrefund.. pinaghirapan po ang pera dito sa abroad tapos ganon Lang na di sila magparefund .. wala pa nga po natatayo na bahay .. tapos nagbigay pa ng penalties nitong lockdown na di baka pag bayad..
Nakausap nyo na po ba ulit sila?
Hi narefund po b ninyo?
Ipatulfo nyo na yan.. kakapal ng muka!
O kaya hlurb.
Maling mali na nag avail ako dyan.. its a nightmare! mga scammer!
Same situation po. Pero naka 24 months na hulog na kami. Kaso di padin natatayo yung bahay.
May nakapag try na po ba sainyo mag HLURB?
Good morning. Natry nyo na po ba magreklamo?
We tried and HLURB sent a letter to Camella to answer our complaint but to our dismay, no response at all. Even HLURB doesn't follow-up to Camella regarding the issue.
Hi! Dec 2019, nagbayad ako 50k downpayment and additional 122k nung January 2020 prior to Pandemic. Then October, ng fofollow up sila ng payment ko knowing walang improvement ang economy. No turned over of unit. Requesting for refund pero ayaw nila. My God, pandemic. Ayaw pumayag kahit naka ilang email nko.
Ano na pong balita sa complaint nyo sakanila?
Hi po.. Same situation here at super dismayado sa Camella ...Last May 2018 nagdecide kmi kumuha unit sa Camella Sierra nakapagtapos kami magbayad ng DP and tuloy tuloy hanggn monthly amortization, as time goes by excited kami mg husband ko na while waiting for the counting month and years magkakabahay na kami, nakailang sign nako sa BDO for bank financing approved naman sana kami kaso di pa pwede dahil dipa na aachieve ni Camella ang 60% requirement ni BDO para sa bank na kami maghuhulog ng Monthly Amort. it's beacuse of 5 percent palang ang natatayo sa unit nmin, Sa Camella padin kami naghuhulog, isang taon na ang lumipas walang pagbabago sa 5 % kinalawang na ang mga bakal at tinubuan na ng damo ang area, kinausap namin ang Admin ang sabi umapela ang City Government ng Antipolo na kailangan daw unahin ng kalsada before the units, due to respect inantay namin na magawa kuno ang kalsada at tuloy padin ang hulog namin ng monthly amortization hanggan sa lumipas na nman ang isang taon pinuntahan nmin si Admin para makita ang unit if there's a changes, but they appeal not to go to the site beacuse of safety protocols daw na baka mahawa ng covid ang mga Engineers?!🙄😅 Napaka normal namin at walang sakit para mahawaan sila sa site...the point is gusto lang nman nmin makita kung may improvement ang unit after 2 yrs pero di nila kami pinayagan ng husband ko... almost 800k nadin ang naibayad nmin sa knila at di bastang pera lang yun, pinaghirapan ng husband ko para matupad sana ang dreams namin na magkaron ng sariling bahay kaso walang nangyari parang budol pa ata ang nangyari, hirap na hirap sila magreply sa email at tawag pag gusto mo sila makausap..Nag request kami ng Refund January 2021 but until now wala pong progress on their part hirap sila sagutin amg email at tawag sabi nasa collection department na amg lettee of request namin antay pa ulet ng another month..OMG we keep on waiting for nothing... Gusto ko na nga sila ilapit kay Sir Rafffy Tulfo baka sakali makuha nmin ang perang pinaghirapan ng asawa ko...Baka po may gustong humingi ng tulong sa RTIA, magkaisa po tayo para po makuha natin ang perang pinaghirapan ng ilang buwan at taon... God speed!
Hi Lovelyn, Camella Sierra Metro East naman ako, upto now nagbabayad pa di ako ng monthly, since lumipag ako ng ibang block at unit, kaso yung papers na pipirmahan dapat ng mother since few months ago eh ala pang update kung nakaready na or what. dahil yung humahawak ng account ko deadma sa mga emails ko, nung una responsive siya, but later on, wala na. parang gusto ko na din irefund na lang since wala naman talagang progress ang construction kahit nung na lift ang ecq last time, ngayon binalik eh for sure mas lalong walang mangyayari at lalong deadmabels ang mga staff. halos nakakakalahati na din ako ng hulog.
hello Jazz P, same tayo ng subdivision at akoy ay sa block 25. may bago pa sila ngayon n bawal na pumasok sa sierra kapag ndi pa natturnover (para siguro hindi makita na ndi ngpprogress ung construction). tapos na ako sa DP nung 2020 pa until now ngbbyad pdn sa camella.. puro pangako lalo ung Joyce
@lovelyn, mginitiate ndn ako ng refund sa camella sierra admin..ssama ako if mgffile kayo complaint sa RTIA. almost 800k ndn nbbyad ko sa knla
Mygoodness. Nagrequest po kami refund and nasa 800k nadin naibayad namin. Same site camella sierra. 143k lang daw ang marrefund?!nakakainis. Hirap nilang kontakin. Gusto ko na nga din po humingi tulong sa tulfo.
Pwede po pumunta don basta magpakita lang kayo resibo. Nakakapunta po don kasama ko nakabike po sila. Wala po talaga tinatayo. Ngayon po sabi ay by batch an pagtatayo, may iba nadin pong nagrreklamo sa branch nila. If irreklamo ninyo si camella baka pwede po sana makahingi ng info pano ang gagawin baka sakali po mas marinig tayo kasi madami po tayong nagrreklamo.
Nakapagcomplaint na po ba kayo?
Gud pm Po, ako camella terrazas 2019 nung nag bayad ko ng dwn payment na 900 kw then start n monthly amortization sabi nila start Ang construction this July, then May this year nanghingi sila requirements for bank loan eh paano apronahan ng bnk yung loan eh Wala png construction. Nung nag pasa ko ng requirement sabi nila possible October Possible completion ng house construction. Gusto ko na rin I refund ung binayad ko, Baka puede pong mag sama sama tau para mag reklamo Kay Mr tulpo
Kami din po. Sali kasi sa pag complain. We are from Davao. Until now in house financing kami. Grabe yung interest nila.
Same maam. I paid 800k then 2years bago natapos yubg unit, then nagtaka ako umabot ng 5m ule balance namen na dapat 4.6m nalang. Nag dtart na pala monthly kahit 15% palang condtruction ng bahay. Nagstart ang monthly na wala man lang pinaalam samen. The heck
Parang gusto ko na rin magrefund, nagStart ako magbayad ng DP ng feb2020, .bale 300k n naibayad ko pero wala parin naitatayo n bahay until now.at nagEmail sakin ang admin ng Camella Cauayan pra iOffee na ilipat na lang daw ako ng lote at my nakatayo nang bahay.to my dismay, kinakalawang n mga bakal, ung kahoy sa hagdan eh namumuti at halatang marupok na.as OFW, excited ako magkabahay at hindi po madali kumita ng pera.sakit sa ulo ko ngayon kung ibabalik pa kaya nila ang pera ko.
Hi same po ako ng situation if hindi pa kayo nakaka pag file or pwede pa ako sumama sa pag file ng complaint let me know.
Nkapag refund ka nb sa Camella ksi ako 3moths na ala pdin
Hello sir nkpag file po ba kau ng complaint? Tas magkano po narefund sa inyo sken 150k lang din refund tas 860k nbayad ko
Hello po..same issue din po ang naencounter ko with Camella..pwede po ba makahingi ng email add na pwede ko ma email.Iba iba po kase ang nag rereply at ng hahandle ng account ko.Salamat po..ofw here
Naku parehas na parehas po tayo ng kalagayan 800k mahigit na ang naibayad ko
hello po narefund na po ba pera nyo mam? kase kme din gusto na din namin iparefund eh.. prang wla din kc ngyayare :*
same tayo nag sitwasyon maam nakabayad na din ako sa camella ng 1,3m na approve na kami sa bank (bdo) pero ang sabi sa amin di pa nila ma fenance ksi po 5% palang na build ng bahay nmen kailangan daw 60% kaya hanggang ngayon naka tingga lang unit namen kinalawang na dami na mga damo... wlang awa yang camella na yan pagod at pawis nilaan naten magkapera para makabili ng bahay... wala sila pki tawag at email di nila sinasagot.. pinuntahan ko site jila at office kung saan2x ako pinapasa...😞😞
hi @Jay2021 sorry ngayon ko lang nabasa. Block 16 ako pero dati block 23 kaso tabi ng creek kaya nagpalit ako. Umuwi ako nung Nov 2021 bumisita ako sa camella sierra, request ng gate pass bago punta daw, pag punta namin sa site ayun wala pa din tapos punta ako ng office nila sa taguig unannounced yung Zyna ang may hawak ng account ko that time, tapos ayun nagreklamo ako, puro pangako syempre at nagsosorry sila, naayos ko naman yung papers kasi sabi ko pipirma na ko hanggat andun na ko kesa patagalin.
Tapos ayun follow up after nun, tapos di nila alam na uuwi ako nitong July, nung 3 days before ako umuwi request ako ng gate pass at yun agad pinuntahan ko, ayun sa awa diyos wala pa din. kasama ko na family ko ngagalit na nga at ipatulfo na daw dapat.
tapos punta ulit ako sa office nila unannounced, tagal nila kami babain, iba na ulit may hawak ng account ko. ayun pangako ulit.
hanggang ngayon wla pdin, nagrequest ako gate pass pangbuong taom pero binigay lang sa akin every saturday this month.
sabi nila mga fully paid daw inuuna nila. tapos magtatanong sila kung may approved bank para sa bank loan. at ngayon daw eh requirement ng bank dapat 90% na ang const. Iba iba na daw kasi ang mga contractor per unit sabi nung naabutan namin na gumagawa.
May kausapin na kmi na attorney hopefully makatulong saka hanap kmi na pwede agad mainform si tulfo.
May binigay sa amin na 2 email adddress sa head office nila sa las pinas deadma naman. Tomorrow pabalikin ko pinsan ko para macheck ulit. Problema kasi mga bakal na ginamit puro kalawang na kaya gusto namin makita kung papalitan kc yun ang usapan namin nun.
Ang contact ko sa camella yung joana unang humawak ng account ko, ngayon yung el norweigan tapos meron pa isa yung zyna pero tinangfal na nila sa nla cc sa email.
Hi Jay2021, update! natapos na yung camella unit ko sa sierra. Umuwi ako ng Feb this year 2023 due to family emergency. After ilang follow up kasi ng 5 years ayun pinagawa na nila. Turn over dapat nung 14th March kasi naayos ko n yung bank loan at narelease na yung payment sa kanila. Kaso ininformed muna ko nung friend ko n nakakuha ng unit sa kabila sa Camella Meadows na check ko muna lahat kung okay, loob at labas at wag pipirma kung may mga issues pa yung unit kasi ganun na experience niya sa unit nya nun 4 years yung pagri-repair ng mga issues ng unit nya. Kya ilan kami pumunta nung 14th para marami kami mag check. Parents ko, brothet ko 2 tita ko. So far since nawalan na ko ng gana at wala na yung excitement ko sa unit kya di n ko nagexpect ng bongga since obvious na minadali yung pag construct. Makikita naman sa pag paint sa paglalagay ng mga materials. Pero pinaka issue namin so far yung sa window seals kasi hindi sya maayos nakalagay. Kitang kita mo yung siwang kya kita labas do hindi sya talaga sealed.. pag umulan tatagos talaga. Lahat ng windows ganun sa lahat ng floors. So from 14th march 2023 until now 6th May 2023 hindi p din daw naaayos ng contractor kaya sinabihan ko sila na bka paghintayin n naman nila ako ng 5 years ng dahil lang sa window sealer. Kya another pangungulit na naman nito. Yung sayo ba? Ano na status?
Hi,
Same issue sa akin Lumina naman, walang nag uupdate after almost 3 years na. Nagdemand ako ng full refund dahil di sila nag uupdate, di pa pala naconstruct ang bahay at wala turn over hanggang ngayon. may gc po ba kayo? pasali naman.
Hi po, ako din po. Dapat turn over na ngayong March bale 3 years narin. Pero until now wala pa pong nagagawa sa Lumina Malolos. Tuloy tuloy naman po bayad ko ng monthly amor. If magrereklamo po kayo. Willing din po ako sumama.
Nkakuha po ba kau ng refund ...
Meron po akong gc na binuo bka gusto nyo pong mag join same tayo ofw po ako 800k n naibayad namin ang malala 50k lng ang ibabalik. Nila camella homes sta maria bulacan complais po ung name ng gc po para sabay sabay tayong lalaban sa knila
Pasalinnaman po sa gc nyo 800k din po naibigay ko wala pang naibabalik sa akin ni piso
Ano pong gc nyo pasali po
Ang litigation or ang pag refund ng legal sa inyong nahulog sa camella ay aabutin po ng mahabong panahon(taon). Ito po ay sa kadahilanan sa bulok po nating batas. Sa inyo po na gusto na mag file ng litigation against camella gagastos po kau sa legal proceedings at kakain po ng oras ninyo. Sa simpleng process po ng refund, 1st HLURB, if the decisin is infavor of you, mag appeal ang camella sa RTC, tpos kng matalo pa ulet cla, mag appeal nman s ofc of the president tpos kng matalo ulet sa CA nmn, at sa huli sa supreme court. Sa pinaka mabilis n legal process at sa kondisyon na sa lahat ng decision ay panalo kau, aabutin ng 10yrs or more bago nio ma refund ang pera nio. YAN PO ANG REALIDAD. suerte nio kng may kakilala kayo na ma puersa camella na magbyad agad sa inyo. Ang akin
pong comento ay base lang po sa aking experience sa kanila.
hello po nakapag refund na po ba kayo? pasali po sa gc
pasali po sa gc.. gusto din po namin irefund ung pera namin kaso ang hirap po nila macontact :(
Pa add po Kaci Lynn (keyroll)
Salamat
Hinde, sakin 300 plus diko na refund, kasi wala padaw 24 months ang hulog ko, easy money for camella homes, kawawa tayong mga mahihirap na gusto lang magkabahay
Ano pung update sa request niyo?
Mag 3 years na po Yung akin.
They are insisting na bank loan po ako. Para maitayo na ang bahay
Ayaw ko po ng bank loan kasi ang usapan eih pag ibig po ako.
Pa add po sa gc. Salamat po
Hello po meron po ba kayo GC pa add po ako dito account ko po ito?salamat..
Pasali po GC niyo
. Same po sakin 150k nbayaran.. 25k lng dw refund.. conrado M. Dacumos jr. Name ko sa messenger
Sa mga gusto po labanan ang Camella para sa inyong refund, ihanda nio po ang sarili nyo sa gastos at sa panahon na gugulin nio. I share ko lng po ung case ko, naka 3 decision n po ako lahat panalo. Sa hlurb, RTC QC, at office of the president. Ung decision po is in favor of me. Camella to refund my claim. Pero hndi ko po ma claim khit panalo n ko sa decision dhil meron pa cla appeal nman sa CA at kpag ntalo cla dun pde pa cla mag appeal sa supreme court. Sa ngaun po inabot na po ng 10yrs ung case ko pero wla pa rn ako n refund.
Hello po kami po kay nakakuh ang lot sa camella last july 2019 snd nakapag byaad po kmi gang feb of 2020 and nung pandemic na na stop pero nag alam ko nkaapag byad pa ako ng isa nung pandemic. And halos na stop na po yung payment nmin halos nssa 17k po monthly namin ngayon po ask ko lang sa nabayaran po namin na halos 7 o 8 mos may ma rerefund po kaya kami kahit 50k lang. Kasi nag memessge kmi sa office ng branch na napagbilhn namin kaso seen lang..
ako 222k nabayad ko 21 months need ko pa daw mag bayad ng additioanal 20k for 2 moths para pumasok yun sa category ng maceda law, tapos 50% lang daw kaya ibalik, basura ang batas ng about property sa pinas, dapat yan i revise